Miyerkules, Oktubre 11, 2017

PAG IBIG







Pagibig


NI: NVIII

Isang aklat namaputi; angisinulat :luha
Kaya wala kang mabasa kahit isamang talata
Kinabisa at inisip mo lang ating pagkabata
Tumanda kat nagkauban hindi mo pa maunawaan

Ang pagibig, isipin mo, paginiisip, nasapuso!
Pagpinuso ,nasa-isip , kaya`thindi mo magkuro.
Lapitan mong matagal ang pagsuyo`y naglalaho;
Layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo!

Ang pag-ibig nadakila`y aayaw nang matagalan
Parang lintik kung gumuhit sa pisnging kadiliman ,
Ang halik naubos tindi ,minsan lamang nahalikan ,
At ang ilog kung bumaha ,tandaan mo`t minsan lamang .

Ang pag-ibig parang duwag ay payapa`t walang agos,
Walang talon,walang baha,walang luha,walang lunos!
Ang pag-ibig namatapang ay puso ang inaanod
Pati dangal, yama`t dunong naluluhod sa pag-irog!

“Ako`y hindi makasulat at ang nanay ay nakabantay!”
Asahan mo katotoko hindi ka pa minamahal;
Ngunit kapag sumulat nasa ibabaw man ang hukay,
Minamahal kaniya nanghigit sa kanyang buhay!
Kayong mga kabataan na pag-ibigang ninanais,
Kayong mga paru-parung sa ilawan pumapaligid,
Kapag kayo`y umibig na, hanapin ang panganib,
At pakpak ninyo `y masusunog sa pag-ibig!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

AKO AY AKO

" Ako Ay Ako" Ni : Joyce Sino nga ba ako ? Ano nga ba ang papel KO sa mundong ito ? Ano nga ba ang motibo Ng panginoon...