Huwebes, Oktubre 12, 2017

AKO AY AKO


" Ako Ay Ako"
Ni : Joyce

Sino nga ba ako ?
Ano nga ba ang papel KO sa mundong ito ?
Ano nga ba ang motibo
Ng panginoon kung bakit ako nandito?

Akoy simpleng tao lamang
Na naghahangad ng mabuting kapalaran
Nagbibigay sa pamilya ng kaligayahan
O tinatawag na anghel ng tahanan
Hitik na hitik mn ang problemang dinadaraanan
Nakangiti parin sa inyong harapan
Dahil ako'y naniniwalang iyon ay malalagpasan
Sa tulong ng taong inilaan

Bukas ang palad KO sa mga tao
Hindi mn halata sa paningin niyo
Pero kung kilalanin niyo talaga ako
Malalaman niyo ang tunay kung pagkatao

Kahit isang estudyante lamang ako
Na Hindi sing tangkad at sin laki niyo
Ngunit ako'y my bukal na puso
Na handang tumulong sa mga tao

Pero bakit maraming taong mahilig mangungumpara
Hindi ba nila alam na siya at ako at magkaiba
May mga taong matalas ang dila
Hindi bah nila alam na ako'y nasasaktan na.

Ako'y tao lamang na nasasaktan
Umiiyak at nasusugatan
Kahit parating nka ngiti sa inyong harapan
Pero pusong mamon naman

Lahat ng iyon at hand a kung tanggapin
Kaya kung unawain
Ang akin lang hiling
 
Na sanay ako'y inyong tanggapin

Kung Ano man ang pagkakilala niyo
Sa totoong pagkatao KO
 
Sanay tanggapin niyo ako
At itaga niyo sa bato
Na ako at ako.

143 LINYA PARA KAY LARA


143 Linya para kay Lara
By: ADMIN B

I. Paano nga ba?
Paano ko nga ba sisimulan itong tula?
Maari ba akong magpakilala
Sa pamamagitan ng isang kanta?

2 Parang di ko yata kaya
Di ako binigyan ng Ginintoang Tinig ni Bathala,
Ako si ADMIN B, naghahamak na maging makata,
Sa inyong harapan magaganda at gwapong madla.

3. Nais ko sanang gumawa ng tula
Isang tulang naiiba sa balat ng lupa
Isang tulang di makokopya
At isang tulang para lang sa kanya.
Kaya heto na!

4. Nagsimula ang lahat sa simpleng “hi”
Isang ‘hi” na di’ko akalaing magbibigay kulay
Sa magulo kong buhay.

5.Nakalila mo ko’t nakilala rin kita,
Naging close tayo sa isa’t- isa.
Ikaw ang naging sandalan at karamay pag ako’y may problema
 Nagpapagaan sa puso kong bitak- bitak na.

 6. makalipas pa ang ilang sandali
Tayo’y nagkamabutihan
At Nagkaroon tayo ng tawagan
Na akala mo parang tayo sa totohan.

7. Nagtagumpay ka nga sa iyong plano
Napaibig mo ako ng todo
Nabihag mo ang puso kong di eksperto,
Sa isang bagay na tingin ko ay bago.

8. Pinakabog mo ang puso kong bato
Pinangiti mo ang mukha kong biyernes Santo,
Di ko alam kong ginayuma mo ba ako,
Oh sadyang akoy nahulog sa puso mo.

9. Heto na,
Naging tayo, naging syota mo ako
Sabi mo pa “para kang nanalo sa lotto’
Hindi ako ng sisi sa desisyon ko
Dahil alam kong ikaw ay totoo.

10. Napakalambing mo,
Tinablan mo pa si Paolo Avelino,
Ako naman halos maihi sa pantog ko
At parang isang daang bultaheng kuryente ang dumadaloy sa dugo.

11. Ngunit bigla kang nagbago,
Nagbago ang iyong pakikitungo
Ika’y naging malamig at pusong bato,
At sadyang binibiyak ang aking puso.

12. Akala ko magtatagal tayo,
Akala ko, ikaw na ka forever ko,
Pero binigo mo ‘ko,
Binigo mo lahat ng iyong pangako.

13. Bakit ang sakit- sakit?
Halos akoy mamilipit, at di makaisip,
Na para bang kaluluwa’y iniihip,
Sa malayong dapit.
14. Sadyang kay raming luhang aking naiyak,
Dahil sa iyong pagbitak
Sa puso kong wasak- wasak.

15. Sana di nalang kita nakilala
Sana di nalang nagsimula,
Sa isang “hi” na salita,
Sana di mo nalang ako syinota
Kung wala kang panata.

16. Marami pa sana akong sasabihin sayo,
Pero ng uunahan ang luha ko,
Luhang di mapigilan,
Luhang ikaw ang dahilan.

17.Sinabihan mo kong kalimutan ka,
Sinabihan mo kong sorry at humanap ng iba,
Pero sorry rin, di ko kaya,
Di ko kayang tanggapin na wala kana..

18. Di ko kayang harapin ang umaga
Di ko kayang maging Masaya,
Dahil wala nakong dahilan,
Dahilang mabuhay pa.

19. Naisip kong taposin na
Taposin itong buhay kong walang kwenta
Buhay na puno ng pighati’t problema

20.Yong tayo noon
Ay wala na ngayon
Wala ng komunikasyon
At wala nakong inspirasyon.

21 Bakit ba kasi kita nakilala?
Kong gagawin mo ‘kong tanga,
Tanga sa pagmamahal sa’yo sinta.
Di ko alam, di ko batid kung bakit mo ‘ko iniwan.

22. Kaya pinilit kong maging Masaya
Pinilit kong tumawa
Kahit ang sakit- sakit pa
Kahit ika’y naalala
Ng puso kong patay na sa dusa.

23. Lumipas ang ilang mga araw
Na kay lungkot sapagkat wala kana,
Lalo na pag na alaala
Na akoy iniwan mo na.

24. Ngunit wag kang mag alala
Makakalimotan rin kita
Gaya ng paglimot mo sa aking nadarama,
Nakakahinayang lang Lara,
Naglaho kang parang bula.

25. Ngunit sadyang pinaglalaruan ako ng tadhana
Dahi, kahit anong pilit kong kallimutan ka
Ay di ‘ko magawa
Sadyang pangalan mo lang ang nakatatak sa lupa.

26. Oo aamin ko, ako’y naging desperada
Desperadang balikan mo pa
Dahil hindi ko kaya
Hindi ko kayang mabuhay pag wala ka.

27. Nagpumilit ako, nagmakaawa
Nagmakaawa na akong balikan muna
At sabi mo pa ‘sa tamang panahon na”

28. kahit kunti nagkaroon ako ng pag asa
Nagbabasakaling maibalik pa,
Ang mga alaala
Alaalang sing ganda ni Magindara.

29. Naghintay nanaman ako ng panahon
Upang maibalik ang kahapon,
Kahapon na nais kong maging ngayon,
At ngayon na nais kong maging ilan pang taon.

30. Ginawa ko lahat, sa abot ng aking makakaya
Kahit ako’y katawa tawa
Basta maangkin lang muli ang iyong puso sinta.

31. At ikaw nga’y ngbalik sa dati
Yong taong minahal ko ng maigi,
At minsan ng iniyakan araw at gabi.

32. Dumating nga ang minuto
Minutong babalikan mo’kong totoo
Oo sa una, ako’y natulala at di makakibo,
Pagkat lumulundang ang aking puso.

33. Nagkaroon nga ulit ng tayo,
Yong ikaw lang at ako
Mas ipinakita mo ang iyong busilak na puso,
At ipinaramdam kong gaano ako kahalaga sa’yo.

34. Hinto muna tayo kaibigan, hanggang dito nalang ako
Hindi sa pagpapaalam ang aking motibo
Ngunit masyadong mahaba na ang aking tapiko,
At alam kong kayo na ay nalilito.

35. Sa susunod nalang na kabanata
Ipagpapatuloy ang aking tula
Paalam muna, paalam madla.

36. pahabol pala, gusto kong ipakilala
Kung para kanino ang tulang nagawa.
ITONG ISANG DAAN AT APAT NA PU’T TATLONG(143) LINYA AY PARA KAY LARA.
 Marahil kayo ay nagtatanong kung sino sya.

 37. Sya ay parte ng buhay ko,
Kahit alam kong bawal at taliwas sa mga mata ng tao.
Handa akong hamakin ang mundong puno ng kritismo.

DAKILANG MAGSASAKA



Ang Dakilang Magsasaka
    Ni: Yeonnie

Laging bumabangon ng madaling araw
Sa taniman ang punta't dalang kalabaw
Di pinapansin ang lamig at ang ginaw
Kahit abutin ng langit na mapanglaw

Magsasakang puro pawis ang puhunan
Pag-aararo ay di tinitigilan
Kahit pagod na at pinagpapawisan
Patuloy para sa magandang anihan

Araw-araw nagbabantay sa sakahan
Minsan pa ay doon nananghalian
Lupa ay palaging inaalagaan
Mabigay lang ating pangangailangan

Nagtatanim kahit tirik na ang araw
At nagbubungkal sa lupang ibabaw
Laging tinitiis ang gutom at uhaw
Masaganang ani tangi niyang tanaw

Di nawawala ang takot at pangamba
Dumating ang bagyo't malakas na baha
Sana kalikasa'y maging mapayapa
Nang mga pananim at hindi masira
Pagiging magsasaka'y isang marangal
Kahit kalyo sa kamay ay nangangapal
Patuloy sa pagtatanim at pagbubungkal

Para sa bayang kanyang minamahal.

KATARUNGAN

"KATARUNGAN"
by: RJ Adlaon
Magasgas lamang mga lalamunan
Biting mga lubong lipad sa ulap
Marami man itong kanilang mga bilang
Hinding-hindi naman tiyak pakikinggan

Kahit na sa buwan itong hinanakit
Ilipad ang daing, hinagpis sa sakit,
Papuputukin lang ang pintog na ganid,
Matulis ang kuno ng hayok sa langit.

Sa paghahanap ko nitong katarungan
Baka nakarating sa kinabibilangan,
Nitong mga pigtas ang hingang nilalang
Na naghihintay doon sa krus sa daan.

Mabuti-buti pa na ipasaitaas,
Ang ibig makamit ng ngiti at gilas,
Ang katarungang libing na at agnas
Makakatalik kung dating na ang wakas,

Nganong nahanap KO na ang katarungan
Dapat ito ay ating pag iingatan
Kaya dapat ipagmalaki nito sa ating bayan.
Ipaglaban natin ang ating katarungan.
..

Miyerkules, Oktubre 11, 2017

PAG IBIG







Pagibig


NI: NVIII

Isang aklat namaputi; angisinulat :luha
Kaya wala kang mabasa kahit isamang talata
Kinabisa at inisip mo lang ating pagkabata
Tumanda kat nagkauban hindi mo pa maunawaan

Ang pagibig, isipin mo, paginiisip, nasapuso!
Pagpinuso ,nasa-isip , kaya`thindi mo magkuro.
Lapitan mong matagal ang pagsuyo`y naglalaho;
Layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo!

Ang pag-ibig nadakila`y aayaw nang matagalan
Parang lintik kung gumuhit sa pisnging kadiliman ,
Ang halik naubos tindi ,minsan lamang nahalikan ,
At ang ilog kung bumaha ,tandaan mo`t minsan lamang .

Ang pag-ibig parang duwag ay payapa`t walang agos,
Walang talon,walang baha,walang luha,walang lunos!
Ang pag-ibig namatapang ay puso ang inaanod
Pati dangal, yama`t dunong naluluhod sa pag-irog!

“Ako`y hindi makasulat at ang nanay ay nakabantay!”
Asahan mo katotoko hindi ka pa minamahal;
Ngunit kapag sumulat nasa ibabaw man ang hukay,
Minamahal kaniya nanghigit sa kanyang buhay!
Kayong mga kabataan na pag-ibigang ninanais,
Kayong mga paru-parung sa ilawan pumapaligid,
Kapag kayo`y umibig na, hanapin ang panganib,
At pakpak ninyo `y masusunog sa pag-ibig!

Pag-ibig koy Nabihag Mo








Pag-ibig koy Nabihag mo
Ni: Athena_iad



Sa tuwing ikaw at makikita 
Puso koy lumulundag sa tuwa
Lalo na pag ika'y kapiling
Feeling koy parang nasa heaven

Parang kisap matang lumipas ang araw
Di inaasahang ika'y manligaw
Pagkat sa puso KO ikaw ang sinisigaw
 
Sinagot kita't ligaya'y umaapaw

Araw Gabi ikaw ang nasa isip KO
Nangarap na ika'y pumarito
Hitik na hitik ang oras ng kalungkutan at pagdurusa KO
Andito ka't nagbibigay liwanag sa madilim kung mundo.

Kaya nga't sa panginoon ako'y nanalangin
Na bukal sa loob taos ka sa akin
Pagkat diko kayang mawala ka
Na'sa aking buhay nagbibigay liwanag sa tuwa

Kaya itaga mo sa bato
Ikaw lamang ang tinitibok ng puso KO
Huwag kang mag-alala sayo lamang ako
Hindi na mag hahanap ng iba kundi ikaw lang mahal ko

KAIBIGANG TUNAY


KAIBIGANG TUNAY
NI: Jen'z


Kaibigan kong tunay
Sila ay nagbibigay kulay
Sa ano mang hirap ng buhay
Akoy di binaon salimot at minahal ng humpay

Sila ay lagi kong maasahan
At kasama ko kahit saan
Hitik na hitik man ang pinagdaraanan
Itoy aming na lalagpasan

Tanggap namin ang bawat isa
Kahit kami butas butas ang bulsa
Sabawat isa ay umaasa
Na habangbuhay kami magkakasama

Ang ugali man ay iba-iba
Kami ay komportable at walang kaba
Kulang-kulang man kung tumawa
Seryoso naman pagdating sa problema

Kanya kanya man ng minamahal
Magkakasama sa pagpapasyal
Kahit kami hindi sosyal
Ang bawat isay aming mahal.

AKO AY AKO

" Ako Ay Ako" Ni : Joyce Sino nga ba ako ? Ano nga ba ang papel KO sa mundong ito ? Ano nga ba ang motibo Ng panginoon...